Loading...

Sunday, March 18, 2018

LOOK! President Duterte Sinorpresa Ng House And Lot Ang PMA Alab-Tala TOP 1.


advertisements
Nasorpresa ang PMA Alab-Tala Class Top 1 na si Ensign Jaywardene Hontoria matapos siyang pagkalooban ni Pangulong Duterte ng house and lot.


advertisements
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng diploma para sa 282 na Philippine Military Academy (PMA) graduates, Alab-Tala (Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas) Class 2018, ngayong araw sa Fort General Gregorio Del Pilar.

Kasama si PMA Superintendent Lt Gen. Donato San Juan, masayang kinamayan at binati ng Pangulo ang mga nagtapos.

Si Hontoria rin ang ginawaran ng pinakamaraming parangal dahil sa pagiging valedictorian at class Baron. Kabilang dito ay ang Presidential Saber Award, Philippine Navy Saber at Chief of Staff Saber.

Ito rin ang kauna-unahan sa kasaysayan ng PMA graduation na nagbigay ang Pangulo ng bahay at lupa sa class valedictorian.

Si Ensign Jaywardene Hontoria, ay 25 taong gulang, isang rehistradong nurse at anak ng magsasaka na nakatira sa Pavia, Iloilo. Siya ay mapapabilang sa Philippine Navy.

Source: Youtube, News5
Loading...