Loading...

Wednesday, January 17, 2018

Arestado Ang Isang Magandang Babae Na Big Time Scammer Pala! Milyon-milyon Ang Nakulimbat!


advertisements

Arestado ang suspek sa "double your money" scheme na si Ma. Elma Grace Castillo Corona sa isang fast food chain malapit sa Davao International Airport, Miyerkoles ng gabi.

Bumiyahe pa galing Maynila si Corona para kumubra ng P1-milyon mula sa kanyang bibiktimahin pero nakapuwesto na sa kanilang meeting place ang awtoridad. Agad siyang inaresto nang magkaabutan na ng pera.

Modus ng suspek ang manghiram ng pera para ipasok sa kanyang lending company na nagpapautang umano ng pera sa mga empleyado ng Bureau of Customs.

advertisements
Mabilis umano ang return of investment, pero lumalabas na sa una at pangalawang bayaran lang tumutupad sa usapan ang suspek saka ide-delay na ang pagbalik ng kanilang pera.

Dumarami rin ang nabibiktima ng suspek dahil pinapa-recruit pa nito ang kanyang mga nautangan at binibigyan ng komisyon at referral fee na 20-porsyento sa bawat papasok na investment.

Ayon sa awtoridad, hindi bababa sa P400-million ang nakulimbat ni Corona sa kanyang modus mula sa daan-daang biktima mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Dati nang natanggal sa pinagtatrabahuhang bangko sa Davao ang suspek dahil din umano sa pera.

Pinag-iisipan pa ng awtoridad kung anong kaso ang isasampa laban kay Corona na nasa kustodiya na ngayon ng Davao City Police Office.

Source: Youtube
Loading...